Wednesday, January 27, 2016


REMEDIAL CLASS : LAYUNIN
           
Pagkilos at Paggawa Tungo sa KAUNLARAN
               
       Ano nga ba aang Remedial ? Saan ba karaniwang nakikita ito? Para saan ba ang Pagreremedial? Mahalaga ba itong ipalamalas sa isang klase. Maraming naglalaro sa aking isipan tungkol sa Remedial. Ang remedial ay nakuha sa salitang REMEDY na ang ibigsabihin ay pagsasaayos ng mga pagkakamali.

                    Karamihan mong makikita ang Remedial sa isang eskwelahan. Ginagawa ito ng isang guro sa mga estudyanteng  hindi nakakasunod sa  itinuturo. Itinuturing din itong Remedial na tulay upang lubos kang matuto. Ang mga estudyanteng nahuhuli sa klase o sa asignatura ay kinakailangang magremedial. Bawat isang asignatura ay kailangang magremedial. Kadalasan ng mga asignatura na mahihirap nagkakaroon ng remedial. Halimbawa dito ay ang matematika, agham, at pati ang pagbabasa. Ang pinakalayunin ng pagreremedial ay ang pagpapataas ng marka ngt isang bata. Marami sa mga batang nagreremedial ay ang mga madalas lumiban sa klase, at hindi makpagpokus sa asignatura.

                    Ang pinakalayunin namin ay makutulong sa mga estudyante upang mas mapabuti at matuto sila ng ibat ibang aralin. Maganda ang naging proyekto ng aming guiro na tumulong kami sa pagreremedial dahil hindi sapat kung kamiy lagi lamang nakaupo. Dapat bawat isa samin ay may pagkilos at yun ay ang makutulong ng nakangiti at walang hinihinging kapalit.

1 comment:

  1. Online Casino Site 2021 | Live Dealers
    Best Online Casinos in the Philippines. Our live 카지노사이트luckclub casino is the most reliable and reliable online casino that provides players with the latest online casino What is the best live casino site?Where can I play online casino games?

    ReplyDelete