Thursday, January 28, 2016

Pagtutulungan tungo sa Kaunlaran

       
Ano nga ba ang mas kailangan upang umunlad ka? Utak na nagsasalita, bibig na nakakakita o mga kamay na sama samang gumagawa? Mas mabilis ang pagtamo sa kaunlaran kung marami ang kumikilos. Samakatuwid  sa pagtutulungan marami ang magagawa at mas mataas pa ang tsansa sa pagkamit ng tagumpat. 
     
        Isa sa halimbawa ng pagtutulungan ay ang mga magaaral na tumutulong sa isang remedial class. Hindi madali sa isabg guro na magturo sa maraming mga estudyante. Kaya hindi maiiwasan na may mga magaaral na hindi talaga makakaintondi sa kanyang mga itinuturo. Mas magiging madali ang pagtuturo kung hindi lang isa ang gumagawa. Sa tulong ng mga magaaral na boluntaryong magtuturo, mas matututo ang mga estudyanteng magreremedial dahil mas mapagtutuunan sila ng pansin.

     Sa lahat, masasabi nating ang pagkilos ay mas maisasakatuparan kung tayoy nagtutulungan. Naniniwala ako sa kasabihang "2 is better than 1" . Mas magiging produktibo tayo pag nagtutulungan at kayang magawa ang pagsubok ng buhay. Dahil dito malalaman mo ang saysay ng pagkakalikha na makatulong at makaagapay sa mga pagkukulang ng iba. Isa lamang ang iiwan ko sa inyo. Sasama ka ba ?

No comments:

Post a Comment