Thursday, January 28, 2016

Pagod

     Hindi mawawala ang salitang PAGOD sa PAGGAWA. Bawat paggawa ay imposibleng hindi ka mapagod. Pero nawawala ang salitang PAGOD sa PAGGAWA ng bukal sa loob at masaya .Pagtulong sa ibang tao hindi dahil sa kapalit bagkus ginagawa mo ito para mapasaya mo ang sarili mo at gayun din ang ibang tao.

   
  Masasabi kong napakahirap maging isang guro, kaakibat na dito ang HIRAP at SAKRIPISYO. Pero napakasarap at nakakawala ng pagod kapag may tao na masaya at handang makinig sa lahat ng mga pinagsasabi mo. Marami akong naranasan sa pagreremedial, nandyan ang papaulit ulitin mo dahil hindi nila naintindihan. Pero sabi nga ng iba "Patience is a Virtue" . Pero kahit paulit ulit kami sa pagsasalita na halos mamemorya na ang mga sina sabi. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na sa bawat nay natuttutong kamagaral ko ay nasisiyahan ako. Sigurado ako na yun ay ang Pagmamahal mo sa gawain mo. Katulad nalang sa  , Kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para mapatunayan lang sa kanya ang pagmamahal mo.



     
 Wala na talagang tatalo sa naranasan kong pagtuturo sa Remedial. Talaga ngang napakasaya nito. Kahit napapagod ka na ay daretso ka parin dahil masaya ka at bukal sa puso mo ang makatulong na siyang layunin ng ating pagkakalikha. Kaya sa bawat makababasa nito, hinihikayat kita na magshare kung ano man ang kaya mo. Ipamalas ang galing patunayang tayong mga PILIPINO ay magtutulong tulong para sa ikauunlad ng ating ekonomiko.

No comments:

Post a Comment