WALANG PAGOD PAGOD SA TAONG GUSTONG TUMULONG
Remedial Class
Thursday, January 28, 2016
Pagod
Hindi mawawala ang salitang PAGOD sa PAGGAWA. Bawat paggawa ay imposibleng hindi ka mapagod. Pero nawawala ang salitang PAGOD sa PAGGAWA ng bukal sa loob at masaya .Pagtulong sa ibang tao hindi dahil sa kapalit bagkus ginagawa mo ito para mapasaya mo ang sarili mo at gayun din ang ibang tao.
Masasabi kong napakahirap maging isang guro, kaakibat na dito ang HIRAP at SAKRIPISYO. Pero napakasarap at nakakawala ng pagod kapag may tao na masaya at handang makinig sa lahat ng mga pinagsasabi mo. Marami akong naranasan sa pagreremedial, nandyan ang papaulit ulitin mo dahil hindi nila naintindihan. Pero sabi nga ng iba "Patience is a Virtue" . Pero kahit paulit ulit kami sa pagsasalita na halos mamemorya na ang mga sina sabi. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na sa bawat nay natuttutong kamagaral ko ay nasisiyahan ako. Sigurado ako na yun ay ang Pagmamahal mo sa gawain mo. Katulad nalang sa , Kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para mapatunayan lang sa kanya ang pagmamahal mo.
Wala na talagang tatalo sa naranasan kong pagtuturo sa Remedial. Talaga ngang napakasaya nito. Kahit napapagod ka na ay daretso ka parin dahil masaya ka at bukal sa puso mo ang makatulong na siyang layunin ng ating pagkakalikha. Kaya sa bawat makababasa nito, hinihikayat kita na magshare kung ano man ang kaya mo. Ipamalas ang galing patunayang tayong mga PILIPINO ay magtutulong tulong para sa ikauunlad ng ating ekonomiko.
Pagtutulungan tungo sa Kaunlaran
Ano nga ba ang mas kailangan upang umunlad ka? Utak na nagsasalita, bibig na nakakakita o mga kamay na sama samang gumagawa? Mas mabilis ang pagtamo sa kaunlaran kung marami ang kumikilos. Samakatuwid sa pagtutulungan marami ang magagawa at mas mataas pa ang tsansa sa pagkamit ng tagumpat.
Isa sa halimbawa ng pagtutulungan ay ang mga magaaral na tumutulong sa isang remedial class. Hindi madali sa isabg guro na magturo sa maraming mga estudyante. Kaya hindi maiiwasan na may mga magaaral na hindi talaga makakaintondi sa kanyang mga itinuturo. Mas magiging madali ang pagtuturo kung hindi lang isa ang gumagawa. Sa tulong ng mga magaaral na boluntaryong magtuturo, mas matututo ang mga estudyanteng magreremedial dahil mas mapagtutuunan sila ng pansin.
Sa lahat, masasabi nating ang pagkilos ay mas maisasakatuparan kung tayoy nagtutulungan. Naniniwala ako sa kasabihang "2 is better than 1" . Mas magiging produktibo tayo pag nagtutulungan at kayang magawa ang pagsubok ng buhay. Dahil dito malalaman mo ang saysay ng pagkakalikha na makatulong at makaagapay sa mga pagkukulang ng iba. Isa lamang ang iiwan ko sa inyo. Sasama ka ba ?
Wednesday, January 27, 2016
HADLANG SA TAGUMPAY
Sa bawat gawain, nariyan ang pagtutulungan, kooperasyon, respeto, at pagkakaintindihan para matapos ang isang bagay. mayroon ding mga hadlang na maaaring magdulot ng hindi pagkakaunawaan sa pangkat. Halimbawa na lang ng pagkakawala ng komunikasyon sa isat isa. dahil dito hindi nagkakaunawaan ang mga miyembro sa mga bagay na dapat gawin.
Isa pa, nariyan ang kawalan ng oras sa pagtuturo dahi, kailangan na itong matapos agad. Dahil dito hindi nakapaghanda ang pangkat dahil limitado ang araw na nailaan. Naniniwala ako na mas mapapaayos ang isang bagay kung pinagpapaguran ito ng matagal na panahon.
Katulad na lamng sa nangyari sa aming grupo, Kami ay naatasang mag community service at ang napiling pgkilos at paggawa ay ang pagreremedial ngunit marami ang humadlang saamin katulad ng pagiging busy sa ibat ibang asignatura ay nawalan ng maayos na komunikasyon at kung gaano kadami ang mga materyales na gagamitin. Masasabi kong para kaming lumaban sa gyera na wala man lang sandata. Pero katulad nga sa telesrye, ni kailanman may di nagwagi ang kontrabida.
REMEDIAL CLASS : LAYUNIN
Pagkilos at Paggawa Tungo sa KAUNLARAN |
Ano nga ba aang Remedial ? Saan ba karaniwang nakikita ito? Para saan ba ang Pagreremedial? Mahalaga ba itong ipalamalas sa isang klase. Maraming naglalaro sa aking isipan tungkol sa Remedial. Ang remedial ay nakuha sa salitang REMEDY na ang ibigsabihin ay pagsasaayos ng mga pagkakamali.
Karamihan mong makikita ang Remedial sa isang eskwelahan. Ginagawa ito ng isang guro sa mga estudyanteng hindi nakakasunod sa itinuturo. Itinuturing din itong Remedial na tulay upang lubos kang matuto. Ang mga estudyanteng nahuhuli sa klase o sa asignatura ay kinakailangang magremedial. Bawat isang asignatura ay kailangang magremedial. Kadalasan ng mga asignatura na mahihirap nagkakaroon ng remedial. Halimbawa dito ay ang matematika, agham, at pati ang pagbabasa. Ang pinakalayunin ng pagreremedial ay ang pagpapataas ng marka ngt isang bata. Marami sa mga batang nagreremedial ay ang mga madalas lumiban sa klase, at hindi makpagpokus sa asignatura.
Ang pinakalayunin namin ay makutulong sa mga estudyante upang mas mapabuti at matuto sila ng ibat ibang aralin. Maganda ang naging proyekto ng aming guiro na tumulong kami sa pagreremedial dahil hindi sapat kung kamiy lagi lamang nakaupo. Dapat bawat isa samin ay may pagkilos at yun ay ang makutulong ng nakangiti at walang hinihinging kapalit.
Subscribe to:
Posts (Atom)